
Naniniwala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nagkaroon ng foul play ang ilang Overseas Filipino Workers (OFW) na namatay sa Saudi Arabia.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, isa sa mga labi ng OFW na naiuwi sa bansa ay mayroong mga pasa, isang posibleng indikasyon ng foul play.
Ipinasailalim na nila sa autopsy ang labi ng OFW at hinihintay pa ang resulta.
Ang mga labi ng nasabing OFW ay dumating sa bansa sa pamamagitan ng commercial flight at tinanggap ng mga kaanak nito.
Nabatid na 50 mula sa 282 OFWs na namatay sa Saudi Arabia ay bunsod ng COVID-19.
Binigyan na ng Saudi Arabia ang Pilipinas ng 72 oras para maiuwi ang mga labi ng mga Pilipino roon.
Facebook Comments









