Ilang pinaghinalaang may kaugnayan sa Maute Group, inalis na sa Martial Law Arrest Order

Manila, Philippines – Inalis na sa martial law arrest order ang ilang pinaghinalaang may kaugnayan sa teroristang Maute Group.

Ito ay sina dating Marawi Mayor Omar Macabalang Ali alyas Solitario; Ali Salic at Omar Solotario Salic; ang anak nito na si dating ARMM Assemblyman Samer Makil Salic alyas Samer Salic; at pamangkin na si Walid Makil Salic na dating barangay captain sa isang barangay sa Marawi.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, pinirmahan niya ang dokumento hinggil rito matapos mag-vouch ang kalihim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.


Una nang nakkakuha ang mga sundalo ng dalawang kilo ng shabu na katumbas ng sampung milyong piso sa bahay ni Omar Solitario Ali noong June 23.

Facebook Comments