Nakatakdang i-uwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas ang anim na Pilipina na biktima ng human trafficking sa Syria.
Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., karamihan sa kanila ay tumakas at nagpasaklolo sa Philipine Embassy dahil sa labis na pagpapahirap sa kanila ng kanilang mga amo.
Pero sinabi ni Locsin na inirereklamo ng mga undocumented Filipino workers ang hindi maayos na pagtrato ng mga tauhan ng embahada sa kanila.
Dahil dito, plano ng kalihim na imbestigahan din ito at tiniyak na papanagutin ang mga tauhan ng embahada.
Nabatid na ang mga biktima ay ilan lamang sa 38 Pinay na humingi ng tulong sa Philippine Embassy sa Damascus na biktima ng human trafficking.
Facebook Comments