Ilang Pinoy caregivers sa UK, nanguna sa overseas voter registration sa Philippine Embassy

Ilang Filipino caregivers sa London ang unang lumahok sa overseas voting registration para sa 2025 National Elections.

Kabilang sa unang registrant ang Pinay na si Jemayma Maronitis mula sa Gloucestershire, England.

Ayon kay Maronitis , mabilis at simple lamang ang proseso ng registration.


Kaugnay nito, hinimok naman ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa United Kingdom (UK) at Ireland na magpatala na rin.

Partikular ang mga hindi nakaboto ng 2 halalan kung saan maaari silang magpa- reactivate ng kanilang voter record.

Ito na rin anila ang pagkakataon ng mga Pinoy para ilipat ang kanilang voter record mula sa ibang Foreign Service Post patungo sa Embahada ng Pilipinas sa London.

Facebook Comments