Ilang Pinoy deportees, dumating sa bansa mula Qatar

Anim na Pinay Overseas Filipino Workers o OFWs na biktima ng pang-aabuso ng employers ang dumating sa bansa.

Sa exclusive coverage ng DZXL RMN News, sinabi ni Cecil Omboy tumakas sila sa kanilang employer kaya sila pina-deport ng Qatari government.

Nakulong din aniya siya ng ilang araw sa Qatar dahil sa pagtanggi ng kanyang employer na magbigay ng end or service certification.


Ayon naman kay Jenalyn Duron, anim na buwan pa lamang siya sa kanyang employer at nakaranas din siya ng pisikal na pang-aabuso

Ang OFW naman na sin Rina Flores mula sa Iloilo ay nakulong din ng ilang araw matapos tumakas sa dahil sa ibenebenta siya ng kanyanga mga employer sa iba’t ibang amo.

Kinumpirma rin ni Flores na marami pang mga Pinay OFW na biktima ng pagmamaltrato sa Qatar nakakulong ngayon doon.

Kabilang na aniya ang isang Pinay na nagdadalantao matapos na halayin ng kanyang amo.

Ang naturang Pinoy deportees ay binigyan lamang ng OWWA ng pamasahe pauwi sa mga lalawigan subalit wala silang natanggap na tulong pinansyal.

Facebook Comments