Ilang Pinoy hotel workers sa Israel na naiipit sa giyera, nahatiran na rin ng ayuda

Kinumpirma ng Migrant Workers Office (MWO) sa Tel-Aviv na nahatiran na rin ng tulong ang Filipino hotel workers sa Israel na naipit sa sagupaan ng Israel at Iran.

Partikular ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Carmel Forest Haifa.

Ayon sa MWO, kabilang sa kanilang naihatid na tulong ay $200 financial aid bilang temporary relief at suporta sa basic needs ng Overseas Filipino Workers o OFWs.

Tiniyak naman ng MWO ang patuloy nilang paghahatid ng ground assistance sa iba pang OFWs na naiipit sa giyera sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments