Ilang Pinoy na biktima ng illegal recruiter, stranded ngayon sa Russia

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Russia na ilang Pinoy ang stranded ngayon sa Russia matapos mabiktima ng illegal recruiter.

Ayon sa embahada, ang mga stranded na Pinoy ay ni-recruit sa Hong Kong at pinalipad patungo ng Russia.

Pagdating anila sa nasabing bansa ay walang trabahong dinatnan ang mga biktima.


Nananatili rin anilang hawak ng ilang indibidwal ang pasaporte ng mga nabiktimang Pinoy.

Kinumpirma rin ng Philippine Embassy na patuloy silang nakatatanggap ng sunud-sunod na reklamo laban sa illegal recruiter na kilala lamang sa pangalang “Helen.”

Tiniyak naman ng embahada na ginagawan na nila ng paraan para mapauwi ng Pilipinas ang mga biktima.

Facebook Comments