Ilang Pinoy na ni-recruit mula Taiwan patungong Europe, missing ayon sa MECO

Kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na may ilang Pilipinong ni-recruit mula Taiwan patungong Europe ang nawawala.

Ayon kay Labor Attache’ Atty. Cesar Chavez Jr., hindi na matunton ang ilang Pinoy na nabiktima ng illegal recruiters patungong Europe.

Aniya, nababahala sila na posibleng pinatay na ang mga ito lalo na’t ang nagrecruit sa mga ito ay organized crime at wala silang record sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).


Kinumpirma naman ni Chavez na ang ilang Pinoy na napadpad sa Russia matapos mabiktima ng illegal recruiter ang nakauwi na ng Pilipinas sa tulong ng Philippine Embassy sa Russia.

Idinagdag ni Chavez na ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Taiwan na dinala ng illegal recruiters sa Europe ay napilitan na lamang mamasukan bilang tagalinis ng bahay, apple-picker, sex worker at kung anu-ano na lamang para lamang makabawi sa binayad sa illegal recruiters na P300,000.

Facebook Comments