Ilang Pinoy sa Afghanistan, nailikas na

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 32 mga Pilipino mula sa Afghanistan ang nailikas na sa Doha, Qatar at naghihintay na ngayon ng kanilang flight pauwi ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, 19 na iba pang mga Pinoy ang nakatakda na ring umalis ng Afghanistan sa lalong madaling panahon, matapos ang pagkubkob ng Taliban Forces sa Presidential Palace doon.

Habang patuloy pang tinutunton ang 79 na mga Pinoy na natira roon.


Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga gobyerno ng mga bansang karatig ng Afghanistan para sa mabilisang paglilikas sa mga Pinoy workers doon.

Muli namang nanawagan ang DFA sa iba pang Pilipino sa Afghanistan na sumama na sa ikinakasa nilang repatriation flight.

Ang Philippine Embassy sa Pakistan ang may hurisdiksyon sa mga Pilipino sa Afghanistan.

Facebook Comments