25 Pinoy sa Gaza Strip na karamihan ay mga babae at bata ang nagpasaklolo na sa Department of Foreign Affairs (DFA) para ilikas sa gitna na rin ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Hamas at Israel.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Teresita Daza, nakatanggap ang Philippine Embassy sa Amman, Jordan ng hirit para mailikas ang mga Pinoy sa Gaza.
Posible naman aniyang mabago pa ang bilang ng mga gustong ilikas dahil hindi pa desedido ang ibang Pinoy.
Sa ngayon, 137 ang mga Pilipino sa Gaza.
Samantala, nilinaw ng DFA na 29 Filipinos sa Israel ang kabuuang napaulat na nawawala.
22 sa mga ito ang na-rescue na at pito pa ang unaccounted.
Facebook Comments