Aminado ang pamahalaan na mahirap pauwiin ang ilang Pilipino sa Iraq.
Ito ay kasabay ng pagpapatupad ng mandatory repatriation kasunod ng gulo sa Middle East.
Ayon kay Special Envoy to Middle East, Environment Sec. Roy Cimatu – may mga Pilipinong nakapangasawa ng taga-Middle East at ayaw sumama sa repatriation.
Sinabi naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana – ganito rin ang posibleng problema sa mga OFW na ayaw iwan ang kanilang mga trabaho.
Sa ngayon, nakahanda na ang air at naval assets ng AFP para sa mandatory repatriation at inaayos na lamang ang mga papeles ng mga ito.
Nasa dalawang batalyong sundalo rin ang ipapadala para tumulong para ilikas ang mga Pilipinong nandoon.
Facebook Comments