Ilang Pinoy seafarers, hindi natuloy sa kanilang flight pabalik ng trabaho matapos na may magpositibo sa COVID-19

Hindi natuloy ang pagsakay sa kanilang flight patungo ng Singapore ng isang batch ng Filipino seafarers.

Ito ay matapos na dalawa sa kanila ang magpositibo sa COVID-19.

Anila, nababahala lamang sila na baka maka-alis na ng Singapore ang barko at maghihintay muli sila ng ilang buwan para muling makabalik sa trabaho.


Karamihan sa mga hindi naka-alis na Pinoy seafarers ay ilang buwan na ring walang trabaho dahil naapektuhan ang kanilang deployment ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments