Ilang pinoy, tumatawid na rin sa Turkey mula sa Lebanon

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Lebanon na may ilang Pinoy na rin ang tumatawid sa Turkey pauwi ng Pilipinas.

Sa harap ito ng patuloy na pambobomba ng Israel sa Lebanon.

Ayon sa embahada, 37 Pinoy ang nakatawid ng Istanbul mula Lebanon.


20 sa kanila ay adults at 17 ang mga bata.

Ang naturang mga Pinoy ay sumakay sa chartered flight ng Canadian government kasama ang Canadian nationals, ilang American at Mexican nationals.

Una nang nakipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Canadian Embassy sa Manila para maisakay ang mga Pinoy sa chartered flight ng Canadian government.

Facebook Comments