Ilang planta ng kuryente, isasailalim sa maintenance shutdown; Power Supply, mananatiling sapat

Muling tiniyak ng Meralco na walang mararanasang brown out ngayong dry season kasunod ng nakatakdang maintenance shutdown ng ilang power plant sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, mayroon silang sapat na supply ng kuryente na reserba sa kanilang power system.

Nabatid na kabilang sa mga power plant na sasailalim sa maintenance shutdown ay ang Pagbilao Coal Plant at Sta. Rita Gas Plant Modules 30 at 40.


Paliwanag ni Zaldarriaga, magkakaroon lang ng problema o malalagay sa yellow alert kung ang reserba ay mas mababa sa 647 mega watts.

Aminado naman si Zaldarriaga na hindi nila matitiyak ang sitwasyon kapag nagkaroon na ng force shutdown o pagkasira ng mga planta.

Facebook Comments