
Tatlong mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang inilagay sa bagong puwesto sa pinakabagong balasahan sa hanay ng kapulisan.
Kabilang sa rigodon si PBGen. Erickson Dilaga na magsisilbi bilang bagong regional director ng Police Regional Office – Cordillera habang si PBGen. Ronald Gayo naman ang bagong hepe ng Firearms and Explosives Office at si PBGen. Rogelio Raymundo Jr. ang Deputy Regional Director for Administration ng PRO-3.
Samantala, bukod sa mga heneral, 11 police colonels din ang inilipat ng puwesto.
Epektibo ang balasahan simula ngayong araw, July 21, 2025.
Facebook Comments









