Dagsa ang mga tao sa iba’t ibang pook pasyalan sa Pangasinan sa unang araw ng bagong taon, bahagi ng taunang tradisyon ng maraming pamilya.
Kabilang sa mga dinayo ang mga simbahan tulad ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag at Epiphany of Our Lord Co-Cathedral Parish, kung saan nagsimba ang mga debotong pamilya.
Dinagsa rin ang mga tanyag na baybayin tulad ng Lingayen Beach, Binmaley Beach, Tondaligan Beach, at San Fabian Beach para sa pampamilyang outing.
Upang masiguro ang kaligtasan ng publiko, naka-activate ang Task Force Baywalk ng pulisya at nakaantabay ang 103 Police Assistance Desks sa mga convergence zones.
Samantala, inaasahan namang huhupa na ang dagsa ng mga tao ngayong gabi habang nagsisi-uwian na ang karamihan matapos ang mahabang bakasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments