Muling binuksan sa publiko ang ilang pook pasyalan na pansamantalang isinara dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Sa Bolinao, inanunsyo ang pagpapatuloy ng operasyon ng Bolinao Falls matapos ang ilang araw na pagsasara bunsod ng malakas na agos ng tubig.
Sa San Quintin naman, pinalawig hanggang alas-nwebe ng gabi ang operasyon ng Dipalo Eco Park nitong weekend matapos ang ilang araw na pagiging malabo ng tubig.
Samantala, pinayagan na rin ang muling pagpalaot at biyahe ng anumang sasakyang pandagat simula Sabado.
Kaugnay nito, nagpaalala ang mga awtoridad sa mga mangingisda at turista na pairalin ang ibayong pag-iingat upang maiwasan ang anumang mapanganib na insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









