Pansamantalang isinara sa publiko ang ilang pook pasyalan sa La Union dahil sa banta dulot ng Tropical Depression Bising.
Kabilang sa listahan ng mga natigil ang operasyon ang Bauang Beach, Budahao Falls sa Burgos, lahat ng talon sa Naguilian, maging ang Mt. Mugong, Dupagan at Tangadan Falls sa San Gabriel.
Ipinagbabawal ang anumang outdoor activities tulad ng mountain climbing, canyoneering at trekking dahil sa posibleng banta sa kaligtasan ng mga bisita.
Bukod dito, kanselado rin ang klase sa lahat ng antas at paaralan sa lalawigan kahapon.
Ang abiso ay paunang paalala sa mga turista na naka-iskedyul na pumunta sa mga pook pasyalan upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.
Tiniyak naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang aktibong ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno na nakahanda sa posibleng epekto ng sama ng panahon sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









