ILANG POOK PASYALAN SA PANGASINAN, DINAGSA NGAYONG LONG WEEKEND

Dinagsa ng mga turista ang ilan sa sikat na pook pasyalan sa Pangasinan nitong long weekend.

Sa Binmaley at Lingayen Beach, maagang dumagsa ang mga bisita na kumuha ng cottage at shed rentals lalo noong Sabado.

Sa bahagi naman ng Bolinao, Huwebes pa lang ay nagsimula nang dumating ang mga turista.

Ayon sa Bolinao Tourism Office, mahigpit nilang tinututukan ang seguridad at pag-alalay sa bawat turistang bumibisita sa mga pook pasyalan.

Hindi rin muna pinapayagan ang mga turista na maligo sa mga talon dahil sa malakas na agos ngunit maaari pa rin itong bisitahin, makita at mag-papicture.

Tiniyak naman ng tanggapan ang kahandaan sa inaasahan pang pagdagsa ng mga turista sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments