ILANG POOK PASYALAN SA PANGASINAN, DINAYO NG MGA TURISTA NITONG UNDAS

Dinagsa ng mga turista ang ilang kilalang pook pasyalan sa Pangasinan nitong weekend kasabay ng paggunita ng Undas.

Maraming beachgoers ang nagtungo sa Patar Beach sa Bolinao, Pangasinan noong Sabado at Linggo.

Ayon kay Jackielyn Bonoan, staff ng Bolinao Tourism Office, tuloy-tuloy ang kanilang pagbabantay sa mga pasyalan sa kanilang bayan.

Umabot umano sa 20 porsyento ang bilang ng mga dumayo noong Sabado, habang 10 porsyento naman kahapon.

Inaasahang mas marami pang aktibidad ang isasagawa sa bayan lalo na’t papalapit na ang buwan ng Disyembre.

Samantala, dinayo rin ang tanyag na Hundred Islands sa Alaminos City, kung saan patok pa rin sa mga bisita ang island hopping.

Facebook Comments