Ilang presidentiables, tinanggap na ang pagkatalo sa 2022 elections

Tinanggap na ng ilang presidential candidates ang pagkatalo sa May 9 elections.

Sa kaniyang mensahe kagabi, sinabi ni Senator Manny Pacquiao na nagsalita na ang mga tao at natapos na ang halalan kung kaya’t bigyan na lamang ngayon ng pagkakataon ang pagkakaisa para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Sinabi pa ni Pacquiao na bilang atleta, marunong siyang tumanggap ng pagkatalo at umaasa naman siyang kahit natalo sa laban ay mananalo ang mga Pilipino partikular ang mga mahihirap.


Maging si Manila Mayor Isko Moreno ay tinanggap na rin ang pagkatalo sa kasalukuyang halalan at binati ang nangunguna sa botohan na si Bongbong Marcos.

Bukod dito, nag-concede na rin si Ka Leody de Guzman habang sinabi ni Senator Ping Lacson na magreretiro na siya sa pulitika matapos ang mahabang panahong pagseserbisyo.

Maging sina Dr. Willie Ong at Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay nag-concede na rin sa vice presidential race.

Para kay Sotto – ang word of honor at katapatan ang mas mahalaga kaysa sa manalo sa eleksyon.

Masaya aniya siya na hindi siya bumigay sa political pressure para baguhin ang kanyang prinsipyo at napanatili ang kanyang integridad hanggang sa huli.

Facebook Comments