Ilang pribadong kompanya, binigyang pagkilala sa ginanap na CSR Guild Awards ng League of Corporate Foundations

Binigyang pagkilala ng League of Corporate Foundations (LCF) ang ilang pribadong kompanya sa kanilang natatanging Corporate Social Responsibility (CSR) projects sa iba’t ibang komunidad sa bansa.

Isa ang Coca-Cola Foundation Philippines sa kinilala bilang Most Outstanding CSR Project para sa pakikipagtulungan nito sa Del Monte Foundation sa proyekto na ‘Barangay Kulasi, Sumilao Water System Project’.

Sa interview ng RMN Manila, ibinahagi ni President at Executive Director ng Coca-Cola Foundation Philippines Cecile Alcantara na naglagay sila ng 25 na gripo na sasapat sa mga residente sa nasabing barangay.


Natanggap naman ng Energy Development Corporation (EDC) ang Most Outstanding CSR Project in Enterprise Development Award dahil sa kanilang proyekto sa Baslay sa Dauin, Negros Oriental kung saan tinulungan nila ang ilang magsasaka na i-develop ang ilang lupain upang mas mapakinabangan pa ito.

Bukod pa dito, ayon kay EDC Vice President Atty. Allan Barcena nagbigay rin sila ng iba pang pagkakakitaan sa mga magsasaka.

Ibinahagi naman ni Manila Water Foundation Program Manager Blessille Par ang pagtatayo nila ng reservoir, communal faucets at mga linya ng tubig sa Barangay Sapang Uwak sa Porac, Pampanga para sa mga Aeta upang mapanatili ang magandang kalusugan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng tubig

Dahil dito, kinilala ang Manila Water Foundation bilang Most Outstanding CSR Project in Health.

Kinilala naman ang TELUS International Foundation bilang Most Oustanding CSR Project in Environment dahil sa proyekto nitong “Plastic Mo, Kinabukasan Ko: Ecobrick Classroom Project sa Magalang, Pampanga.

Habang wagi rin ang HARI Foundation Inc., bilang Most Outstanding CSR Project in Education.

Facebook Comments