Ilang probinsya at lungsod sa bansa, isinailalim sa mas mahigpit na quaratine restrictions at special concern lockdown

Isinailalim sa mas mahigpit na quarantine restrictions ang ilang probinsiya at lungsod sa bansa.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin pa ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Quirino hanggang sa katapusan ng Abril.

Ito ay matapos pumalo sa 1,076 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 427 ang nananatiling aktibo.


Kinumpirma naman ng Department of Health – Bicol na 8 bayan sa Camarines Sur ang inilagay sa kategoryang ‘high risk’ habang 16 nasa ‘moderate risk’ at 8 ang ‘low risk’.

Dahil dito, inirekomenda ng DOH-Bicol sa lokal na pamahalaan ng Camarines Sur na isailalim muli sa General Community Quarantine (GCQ) ang nasabing lalawigan.

Samantala, 8 lugar pa sa Quezon City ang nasa special concern lockdown at ngayong araw, Abril 16 nakatakdang magsimula ang kanilang 14-day quarantine.

Kasabay nito, umabot na sa higit 136 na barangay sa lungsod ng Pasay ang inilagay sa granular lockdown kabilang ang 2 barangay na nasa total lockdown.

Facebook Comments