Ilang produkto sa SRP list, nais alisin ng DTI

Iminungkahi ng Department of Trade and Industry na alisin ang ilang produkto mula sa Suggested Retail Price o SRP bulletin.

Kabilang dito ang condensed milk, evaporated milk, kape, kandila, asin, condimets, bottled water at mga baterya.

Habang mananatili sa SRP list ang powdered milk, tinapay, sardinas, processed and canned meat, instant noodles, sabong panlaba, at toilet soap.


Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, layon nito na gawing simple ang SRP para mas epektibong magamit ng mga mamimili.

Karamihan din aniya sa mga inalis sa listahan ay hindi naman masyadong binibili.

Facebook Comments