
Isang symposium ang idaraos mamayang hapon bilang pagkilala sa isa sa naging mukha ng EDSA People Power Revolution noong 1986.
Ayon kay Fr. Jerome Seciliano, layon nitong mas makilala ng mga kabataan si Jaime Cardinal Sin na naging boses para hikayatin ang maraming Pilipino na lumahok sa mapayapang himagsikan.
Samantala, all set na ang ikakasang programa para bukas sa ika-40 anibersaryo ng EDSA Revolution kung saan magsisimula ang programa alas-tres ng hapon sa People Power Monument.
Ayon sa Trillion Peso March Movement, magsisilbing guest speaker sina Kalooka Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Kiko Aquino Dee, Ronald Llamas, Cielo Magno, Edwin Lacierda at dating tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez.
Bago ang programa alas-tres ng hapon, may prayer march na idaraos sa may Club Filipino ang grupong SIKLAB o Simbahan at Komunidad Laban sa Katiwalian.
Nauna nang naging matagumpay ang People Power 40 Kick-Off Concert sa Quezon Memorial Circle nitong weekend na inorganisa nina Sen. Bam Aquino, QC Mayor Joy Belmonte, Kaya Natin! at Mayors for Good Governance na dinaluhan ng mahigit 20,000.
Tinawag naman ng Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership sina Aquino, VP Leni at Belmonte na “Champions of Good Governance” nang magsama-sama sa pagdalo sa event sa Malacañang.
Si Belmonte ang kasalukuyang chairperson ng Kaya Natin! Kung saan board member at chairman emeritus naman ang senador at dating bise presidente.










