Ilang programa ng DOLE, binigyan ng exemption ng Comelec sa election spending ban

Maipagpapatuloy pa rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga programa nito kahit umiiral na ang election spending ban.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, inaprubahan nila ang application for exemption ng DOLE, epektibo simula bukas September 15 hangang October 30, para mag patuloy ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Kabilang dito ang mga programang:


-Special Program for Employment of Students
-Government Internship Program
-JobStart Philippines Program
-KABUHAYAN Program
-TUPAD Program

Ani Garcia, hindi pwedeng iantala ang ganitong mga programa ng national government dahil kailangan itong ibigay sa mga nawalan ng trabaho dahil sa mga kalamidad at pandemya.

Pero paalala ng Comelec, hindi pwedeng makisawsaw ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa programang Tulong Pangkabuhayan sa ating mga Disadvantage Workers o TUPAD.

Samantala, tanging ang mga kawani ng DOLE lamang ang papayagang mamahala sa mga kukunin na mga magtatrabaho.

Facebook Comments