MANILA – Ikinakasa na ng Social Security System ang ilang programa para masiguro ang mas mataas na koleksyon sa kontribusyon.Oras kasi na maipatupad ang P1,000 pension hike ngayong taon, P32 billion agad ang mababawas sa pondo ng SSS kung saan sinasabing tatagal na lamang ang ahensya hanggang 2032.At kahit maipatupad ang 1.5% increase sa contribution ngayong mayo limang taon lamang maidadagdag nito sa buhay ng SSS.Kaya para siguradong magkaroon ng pondo sinabi ni SSS President Emmanuel Dooc na magpapatupad sila ng mga programa para mapataas ang kanilang koleksyon.Dito, gagawing mandatory ang pagkuha ng SSS clearance sa mga kumpanyang bidder sa mga government projects.Plano ring gawin mandatory ang registration at salary deduction ng lahat ng mga job order at contractual personnel ng mga government agencies.Balak din i-require ng SSS registration ang mga kukuha ng PRC license at pati ng mga OFW.Babaguhin din ang nakagawiang contribution sa mga seafarer.Bukod dito, paiigtingin ng SSS ang paghuli sa mga employeer na hindi nagre-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.Apela naman ng SSS sa mga employer, makipagtungan sa kanila dahil para ito sa kanilang mga manggagawa at kumpanya.
Ilang Programa Para Matiyak Ang Mataas Na Kolesyon Sa Kontribusyon Ng Mga Sss Members – Ikinasa
Facebook Comments