Naghahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ng Department of Tourism-Culture and Arts of Manila (DTCAM) ng mga programa bilang paggunita sa ika-449 taong anibersaryo ng Araw ng Maynila.
Ayon kay DTCAM Director Charlie Duñgo, sesentro ang pagdiriwang sa pagkilala sa kabayanihan ng mga frontliner kung saan ang kanilang programa ay gagawin via online na gaganapin bukas ng alas 6:30 ng gabi.
Maaaring mapanood ang nasabing online programs sa Facebook page ng DTCAM at ng Manila Public Information Office (PIO).
Tiniyak naman ng DTCAM na mahigpit nilang ipatutupad ang mga patnubay ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa physical distancing at limitadong bilang ng mga bisita para sa ibang mga programa tulad ng pag-aalay ng bulaklak.