Ilang provincial trips sa PITX, kanselado dahil sa mga hindi madaanang mga kalsada sa Quezon at Bicol

Kinumpirma ng PITX na may ilang bus provincial trips ang kanselado ngayong araw dahil sa hindi madaanang kalsada.

Partikular na kinansela ang ruta ng AB Liner patungong Calauag, Quezon dahil sa hindi passable na mga kalsada sa Quezon Province.

Kinansela rin ang biyahe ng Ceres Transport patungong Iloilo City dahil hindi makatawid ang mga barko sa Batangas Port bunga ng Bagyong Kristine.


Kanselado rin ang ruta patungong Pilar Port sa Sorsogon at Masbate dahil sa suspendidong paglalayag ng mga barko.

Nagkansela rin ang ALPS Transport ng biyahe sa Tabaco, Albay; Gubat, Sorsogon, at Iriga dahil sa mga bahang kalsada.

Habang ang St. Jude ay nagkansela ng biyahe sa Virac, Catanduanes dahil sa suspendido ang paglalayag ng mga barko sa Tabaco Port.

Facebook Comments