Unang ininspeksyon ang Lingayen Bypass Road Project na sinimulan noong 2018. Sa ngayon ay nasa 88% na ang konstruksyon nito at inaasahang magpapabilis sa byahe ng mga motorista sa oras na matapos.
Inaasahang nasa 18,000 na motorista kada araw ang makikinabang sa nasabing proyekto.
Sinunod rin na ininspeksyon ang Aplaya Floodgate sa bahagi pa rin ng Lingayen-Binmaley na inaasahang makatutulong rin umano upang maibsan ang pagbaha sa mga low lying areas lalo, na sa mga coastal barangay ng mga nabanggit na bayan.
Huling binisita at ininspeksyon ng kalihim ang nag-collapse na hanging bridge sa Brgy. San Juan, Agno na bumigay noong kasagsagan ng bagyong Dante at Emong noong July 2025.
Nauna nang iginiit ng kalihim ang kanilang layunin na matapos at agarang makumpleto ang mga hindi pa natatapos na proyekto sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










