Ilang PSG na nakatalaga kay ES Medialdea, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Presidential Security Group (PSG) Commander Col. Jesus Durante III na ilang security personnel na naka-assign kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ni Durante kung ilan ang eksaktong bilang ng mga PSG personnel ang lumabas na positibo sa virus na pawang mga asymptomatic.

Pero lahat aniya ng security personnel na nakatalaga rito ay isinailalim na sa quarantine.


Samantala, negatibo naman si Medialdea sa COVID-19.

Inirekomenda rin nito na sumailalim sa quarantine ang lahat ng staff ng Office of the Executive Secretary habang magsasagawa ng disinfection sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments