Nag-abiso na ng pansamantalang tigil-operasyon ang ilang mass public transportation kasunod ng muling pagsasailalim sa Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Simula bukas, wala na munang biyahe ang MRT-3 at LRT-2.
Sa abiso, magbabalik ang kanilang operasyon sa August 18, 2020 o kapag ibinalik na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Sa ilalim ng MECQ, ang mga public transportation gaya ng mga tren, bus, jeepney, taxi at TNVS ay hindi pinapayagang bumiyahe.
Habang ang mga tricycle ay depende sa itatakdang guidelines ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga Local Government Unit (LGU).
Facebook Comments