Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni outgoing CBCP President Socrates Villegas na balak ng ilang pulis na ibulgar ang kanilang partisipasyon sa mga nangyayaring extrajudicial killings at summary executions.
Ayon kay Archbishop Villegas, susuriin ng husto ng CBCP ang sinseridad at motibo ng salaysay ng mga pulisya na planong ibulgar ang kanilang mga nalalaman sa mga nangyayaring patayan sa bansa.
Paliwanag ni Socrates, handa umanong suportahan ang mga pulisya maging ang kanilang mga pamilya kung kinakailangan hilingin ang kanilang suporta.
Giit ni Villegas, parang ginagawa na rin nila kay panginnong Hesukristo ang gagawin nilang suporta sa pinakamaliit nilang kapatid kung saan tinutuloy dito ang mga pulis na nais ilantad ang kanilang mga partisipasyon sa EJK.
Dagdag pa ng Arsobispo, kung hihilingin umano ng mga pulis na sumailalim sa kanilang pangangalaga at huwag ibigay sa Witness-Protection Program ay handa umano nilang suportahan ang mga pulis na nais ihayag ang buong katutuhanan sa publiko.