ILANG PULIS SA BUGALLON,SINUNTOK NG MGA NANGGULONG KALALAKIHAN SA KASAGSAGAN NG FIESTA

Nauwi sa kaguluhan ang isang insidenteng nirespondehan ng ilang pulis sa kagitnaan ng Town Fiesta sa Bugallon, Pangasinan, kahapon, December 1, 2025.

Ayon sa imbestigasyon, rumesponde ang mga pulis sa reklamong panggugulo ng isang 19 anyos na suspek na kaagad naman naaresto at isinailalim sa gamutan.

Ngunit bago pa matapos suriin ang suspek, sumulpot ang dalawang lalaki at hinablot ang dalawang pulis na nag-eskort sa suspek.

Dito na sinuntok ng isa sa mga suspek ang isang pulis habang nadawit din ang isa pang responding officer.

Agad namang inaresto ang tatlong suspek at dinala sa Bugallon Police Station para sa tamang disposisyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente.

Facebook Comments