Ilang Pulis sa Lambak ng Cagayan, Nabigyan ng Medalya ng Kagalingan!

*Tuguegarao City-* Binigyan ng medalya ng kagalingan ang ilang mga pulis dito sa rehiyon dos sa isinagawang Flag Raising Ceremony ng Police Regional Office 2 (PRO2) kaninang umaga.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nabigyan ng medalya ng kagalingan sina SPO1 Gilbert Ruiz Columna, SPO1 Richard Tobias Balbuena, SPO1 Nelson Hilarion Bautista Balisi, PO2 Calixto Cabauatan Melad Jr. PO2 Jonard Payo Claro, PO2 Jethro Zipagan Laguitao, PO1 Roumar Manaligod Mariano at PO1 Romarico Ramos Narag.

Habang nabigyan rin ng Medalya ng Papuri si PO2 Antonio Cuarteros Quilang Jr. at ang Non-Uniformed Personnel (NUP) na si Michael Delas Alas.


Samantala, pinasalamatan naman ng buong pamunuan ng PRO2 si Ms. Jocelyn Tuscano bilang panauhing tagapagsalita sa ginanap na Flag Raising Ceremony dahil sa ipinakita at ibinigay nitong suporta sa kapulisan.

Facebook Comments