Umabot sa 72 na mga pulis ang sumailalim sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) screening mula sa region 02.
Ayon sa Department of Health Region 2, natutuwa sila dahil marami sa mga pulis ang boluntaryo na sumailalim sa nasabing screening.
Kaugnay nito, nilinaw ng DOH na confidential ang resulta ng screening.
Bago ang screening, nagkaroon muna ng AIDS awareness seminar na dinaluhan ng 210 na pulis at mga police trainee.
Kabilang sa mga napag-usapan sa nasabing seminar ay ang kanilang target na pag-iwas sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki o sa kaparehong kasarian dahil layunin ng DOH na mabigyan lahat ng tamang serbisyo sa usapin ng HIV screening.
Dagdag dito, una nang nagsagawa ng HIV screening ang DOH sa mga sundalo ng 5th Infantry Star Division sa Upi, Gamu, Isabela.