Ilang pulitiko na bumabatikos ngayon sa “war on drugs”, tinawag na oportunista ng isang senador

Tahasang tinawag ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang ilang mga pulitiko na mga oportunista matapos na magbago ng posisyon sa “drug war” ng noo’y Duterte administration.

Aminado si Dela Rosa na nalulungkot siya sa nangyayari ngayon na mistulang nagiging kritiko ng “drug war” ang mga kongresista gayong noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay puring-puri at pinagpapasalamat pa ito dahil nabawasan ang krimen at napanatili ang peace and order sa bansa.

Ayon kay Dela Rosa, nalulungkot siya na ganoon na lamang pala kabilis na magbago ang pagtingin ng isang tao depende sa kung sino ang nakaupo sa gobyerno at kontrabida na ang tingin sa kanila.


Pakiramdam pa ni Dela Rosa ay pinagtaksilan siya dahil ilang taon siyang nagserbisyo at sinugal pa niya ang kanyang buhay sa bansa lalo pa’t marami sa kanyang mga tauhan noon ang nag-alay ng buhay at ngayon sila na ang lumalabas na masama.

Sa kabilang banda aniya ay marami pa ring kongresista sa Kamara ang nananahimik lang at ayaw lang i-antagonize o gawing masama ang lideratong kinabibilangan nila.

Facebook Comments