Ilang pumila sa Smart Araneta Coliseum, hindi nabakunahan

Nagkaroon ng kalituhan sa unang araw ng inoculation sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil dito, dismayado ang ilang pumila kabilang ang ilang senior citizens.

Kanina, pinauwi sila dahil hindi kasama sa listahan ang kanilang pangalan.


Ang mga nakapagpalista sa online booking lang ang mababakunahan sa Smart Araneta Coliseum para matiyak ang health protocols.

Pero ang problema mahirap itong ma-access kaya’t minabuting pumunta na lang sa vaccination site at pumila ito ay base na rin sa rekomendasyon umano ng kanilang barangay.

Samantala, aabot sa 1,500 ang kayang mabakunahan dito sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments