Wednesday, February 4, 2026

ILANG PUNO SA ILOCOS REGION, PINATUMBA NG NARANASANG MALAKAS NA PAG-ULAN

Pinatumba ng naranasang malakas na pag-ulan ang ilang matatandang puno sa Ilocos Region noong Biyernes, May 30.

Sa Agoo, La Union, humandusay sa daan ang puno ng acacia na ilang dekada nang nakatayo sa malapit sa Basilica of Our Lady Charity na itinuring nang landmark ng mga local.

Bahagyang nasira ang public shed sa tabi nito at naapektuhan maging ang mga tindera , nakaparadang tricycle drivers at isang commuter na nagtamo ng slight injury.

Ayon sa Provincial Environment and Natural Resources Office, idineklarang healthy ang naturang puno ngunit mayroon nang puwang sa loob dahil sa katandaan.

Samantala, ilang matatandang puno rin sa Bacarra, Ilocos Norte ang natumba dahil sa malakas na pag-ulan na may kasamang malakas na hangin na naranasan kasabay ng pagtatapos ng Palarong Pambansa 2025.

Agad nagsagawa ng clearing operation ang mga tanggapan upang hindi makaapekto sa mga motorista.

Matatandaan na naglabas ng orange level heavy rainfall warning ang PAGASA sa Ilocos Norte habang Yellow Level warning naman sa Ilocos Sur, Pangasinan,Abra,Apayao, Zambales at Bataan noong gabi ng May 30 dahil sa umiiral na frontal system at habagat.

Sa parehon araw idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Habagat Season sa bansa na maaaring magdulot ng madalas na pag-uulan at thunderstorms. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments