Gumuho ang pitong palapag na kinalalagyan ng mga nitso sa isang independent cemetery sa Dagupan na pinaniniwalaang dahil sa sunod-sunod na nararanasang pag-uulan.
Ayon kay Don, residente mula sa bahaging iyon, umuulan nang nakarinig umano ang mga ito ng malakas na kalabog na inakalang may nagbukas ng videoke.
Aniya, maaaring lumambot ang lupa sa mga nakalipas na araw at bahain daw talaga ang bahaging kinaroroonan ng nitso.
Dagdag ni Don, ang mga residenteng nakatira doon ay ginagawan ng paraan upang maayos ang gumuhong mga puntod dahilan na direktang apektado ang mga ito hindi lamang sa amoy, pati na rin sa halo-halong katubigan nanggagaling mula sa mga nitso.
Nananawagan ang mga residenteng naninirahan sa kalapit na bahagi ng sementeryo sa aksyon mula sa kinauukulan upang masolusyonan at mapawi umano ang kanilang pangambang posibleng banta sa kanilang kalusugan.
Samantala, mabuti na lamang at wala umanong nasa loob ng kalapit na bahay nang mangyari ang insidente dahil nang GUMUHO ito ay nabagsakan ang katabing bahay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









