Ilang Puwersa ng PNP Sto Niño,Cagayan, Tinangkang Dis Armahan

Cauayan City, Isabela – Inamin ng PNP Sto. Niño, Cagayan na may mga natanggap silang report na didis armahan ang mga grupo ng kapulisan sa naturang bayan na nakahimpil sa mga checkpoint sa mga liblib na barangay.

Sa panayam ng 98.5 I Fm kay P/Maj. Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP Sto. Niño, Cagayan, sinabi niya na noong makatanggap at mapatunayan nila ang mga pagbabantang ito, agad siyang nakipag ugnayan kay P/Col Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office para baklasin ang mga checkpoint. Paglilinaw ni Maj. Gabatin, hindi dahil sa takot sila kungdi para sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga tauhan.

Sa kabila nito, naging maayos ang pagpapatupad nila sa mga protocols mula Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang sa General Community Quarantine (GCQ). Maging ang pagtulong nila sa pagpapamudmud ng ayuda mula sa SAP ng DSWD ay naging matagumpay. Wala umanong nangyaring aberya sa kabuuan ng pamumudmud hanggang sa mga maituturing na pinakaliblib na lugar ng bayan.


Sa ngayon ay natapos narin ang pamumudmud sa SAP sa lahat ng 31 isang barangay Sto Niño, Cagayan.

Facebook Comments