Ilang re-electionist sa Muntinlupa, naghain na ng COC

Naghain na rin ngayong araw ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) ang mga kandidato sa ilalim ng local political party ng Muntinlupa City na One Muntinlupa.

Kabilang sa naghain ng COC si re-electsionist Mayor Ruffy Biazon, at running mate nitong si Allen Ampaya.

Sumama rin sa paghahain ng COC nina Biazon at Ampaya si Muntinlupa Congressman Jimmy Fresnedi.


Si Ampaya ang kasalukuyang kapitan ng Barangay Poblacion ng Muntinlipa City.

Habang si Fresnedi ay tumatakbo rin bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Muntinlupa.

Samantala, sa Lunes pa nakatakdang maghain ng kandidatura ang mga sasabak sa lokal na halalan sa Pasay at Las Piñas.

Habang wala pang abiso ang mga tatakbo sa lokal na posisyon sa Parañaque at Pateros.

Wala ring abiso pa sa ngayon kung kailang maghahain ng kandidatura sa Taguig si Mayor Lani Cayetano at maging ang mga makakalaban nito.

Facebook Comments