Nagsimula nang bumiyahe ang electric cooperatives mula sa iba’t ibang rehiyon para tumulong sa pagpapabalik ng suplay ng kuryente sa mga lalawigang matinding naapektuhan ng Super Typhoon Rolly.
Sa press briefing sa Malakanyang, iniulat ni Department of Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na sa araw na ito ay bibiyahe na ang kanilang teams patungo sa iba’t ibang lugar na bagsak ang suplay ngayon ng kuryente.
Kabilang aniya sa nakatakdang bumiyahe mamayang gabi ay ang region team nila mula sa Region 8 na may 13 teams papunta sa Albay via Camarines Sur.
Ang Region 1 na binubuo ng 10 teams ay papunta na rin sa Casureco 2 Naga City.
Ang Region 2 teams ay pupunta sa Marinduque.
Habang ang Region 6 teams ay pupunta naman ng Mindoro.
Ayon kay Fuentebella, ang mga elective cooperatives na ito ay may kani-kaniyang mga sasakyan at hindi kailangang magpasalo pa sa pupuntahan nilang electric cooperative.
Mayroon din silang sariling mga lutuan at supplies para hindi na sila intindihin pa sa pupuntahang lugar.