Manila, Philippines – Nakataas na sa blue alert ang ilang regional offices ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ito ay bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Kiko.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, bagamat hindi magla-landfall ang Bagyong Kiko asahan pa rin ang katamtamang lakas ng buhos ng ulan dahil sa epekto ng habagat.
Ilan sa mga regional offices ng NDRRMC na nakataas ang alerto ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Cagayan Valley Region.
Sa ngayon hindi pa naman pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na may epekto ng bagyo Kiko na lumikas.
Ipinauubaya na aniya nila sa kanilang Office of Civil Defense Regional Director ang pag-uutos ng preemptive evacuation depende sa sitwasyon sa kanilang lugar.