Ilang rehiyon sa bansa, wala pa ring suplay ng kuryente dahil sa Bagyong Odette

Nanatili pa ring walang suplay ng kuryente ang ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ni Bagyong Odette.

Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hindi pa rin available ang mga transmission line facilities na nag susuplay ng kuryente sa buong Northern Samar, Samar, Southern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Biliran at Bohol.

Ilang lalawigan naman ang partially nagkaroon na ng suplay ng kuryente, kabilang ang Antique, Iloilo, Negros Oriental at Cebu.


Sa bahagi ng Mindanao, bagsak pa rin ang suplay ng kuryente sa buong Surigao del Norte.

Habang bahagya nang naibalik ang suplay ng elektrisidad sa Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Misamis Oriental at Lanao del Norte.

Ayon sa NGCP, may 28 pang 138kV lines ang hindi pa available hanggang ngayon kabilang ang 350kV HVDC Line at pitong 230kV lines na bagsak pa rin ang operasyon.

Facebook Comments