Ilang reklamo kaugnay sa vote buying, naipadala na ng COMELEC Task Force Kontra Bigay sa National Prosecution Service

Naipadala na ng Commission on Elections (COMELEC) Task Force Kontra Bigay sa National Prosecution Service (NPS) ang ilang reklamo kaugnay ng vote-buying.

Ayon kay COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, inatasan na nila ang pulisya na kumilos sa mga reklamo ng mga insidente ng pagbili ng boto na nahuli sa akto.

Aniya, natanggap nila ang mga reklamo kaugnay ng vote-buying sa pamamagitan ng Facebook page.


Wala kasi aniyang hotline ang task force at dumadaan lamang ang mga reklamo sa kanilang social media page ng COMELEC.

Kasabay nito, hinikayat ni Ferolino ang publiko na magsumite ng mga larawan at video ng mga pinaghihinalaang insidente ng pagbili ng boto.

Facebook Comments