Ilang rekomendasyon ng MMC, aprubado na

Ngayong linggo rin maipapatupad ang mas pinaiksing curfew hours sa Metro Manila.

Sa virtual presscon sa Malacañang, sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na magpapalabas ng city ordinances ang bawat alkalde ng lungsod sa National Capital Region (NCR) para sa 12am to 4am na curfew maliban na lamang sa 8pm to 5am na curfew sa Navotas.

Paliwanag ni Garcia, mas mahabang oras pa rin ang curfew sa Navotas upang iwas tambay, inuman at chismisan.


Samantala, paliwanag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nasa hurisdiksyon na ng mga Local Government Units (LGUs) ang pagpapatupad ng curfew hours sa kani-kanilang lugar.

Maging ang pag-apruba sa mga nasa edad na nasa 18 to 65 years old na makalabas ay sakop din ng mga LGUs ang hurisdiksyon at ang muling pagpapaiksi sa curfew hours pagsapit ng December 1 mula 12:00 midnight hanggang alas-3:00 ng madaling araw upang bigyang daan naman ang Simbang Gabi.

Una na kasing inihirit ni Manila Bishop Broderick Pabillo na paiksiin ang curfew hours lalo na kapag nagsimula na ang Simbang Gabi dahil limitado lamang ang nakakapasok sa loob ng simbahan.

Samantala, ang tanging desisyon na lamang ng Inter-Agency Task Force (IATF) na rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC) ay ang pagtataas ng capacity sa mga simbahan o religious activities.

Nais kasi ng mga religious leaders na itaas ito mula sa 10% patungo sa 30%.

Facebook Comments