Ilang religious group, dumistansya sa isyu ng Socorro

Dumistansya ang Iglesia Filipina Independiente at Roman Catholic Church sa mga kinahaharap na isyu ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).

Ayon kay IFI Siargao Diocese Bishop Noel Lorente, nasa higit 3,500 na miyembro ng SBSI ang ginagamit na parishioners sa kanilang simbahan.

Dagdag ni Lorente, nakipag-ugnayan sila sa parishioners at tinanong kung bakit sila umalis ngunit nagbago ang mga miyembro at hindi na nakikinig sa kanilang mga salita.


Bagama’t kinuwestiyon ng obispo ang paniniwala ng mga tagasunod ng SBSI, sinabi niyang bukas pa rin ang kanilang simbahan sa mga miyembrong gustong bumalik sa kanila.

Samantala, nagpahayag naman ng pagdududa ang simbahang katoliko sa paniniwala ng SBSI sa Sto. Niño, dahil naniniwala rin umano sila na si Quilario ang kanilang diyos.

Insulto raw ito sa imahen ng Sto. Niño at sa pananampalatayang Katoliko, na posibleng ginagamit lamang ng grupo para manatili ang mga tagasunod.

Facebook Comments