Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang ilang mga reporma para mas mapalakas at mapangalagaan pa ang karapatan at kapakanan ng media.
Sa pagdalo ni Go sa Managers’ Conference ng Radio Mindanao Network (RMN), binigyang-diin niya ang malaking papel na ginagampanan ng media at ang kahalagahan na maiprayoridad ang kapakanan ng lahat mga broadcasters at journalists sa bansa.
Para mas mapaigting ang sektor ng media, inihain ni Go ang Senate Bill 1183 o ang Media and Entertainment Workers Welfare Act na layong paghusayin pa ang proteksyon, seguridad, at benepisyo ng mga media practitioners tulad ng dagdag na health insurance coverage; overtime at night differential pay; at iba pang incentives.
Kasabay nito ay hinimok ni Go ang mga myembro ng media na tumulong sa pagpapalaganap ng mga mahahalagang impormasyon sa batas, programa at serbisyong pangkalusugan.
Dagdag pa ng mambabatas ang panawagan niya sa mga media practitioners na patuloy na manguna sa pagsusulong ng katotohanan, integridad at serbisyo publiko.
Ang nasabing Managers’ Conference ng RMN ay dinaluhan ng lahat ng mga station managers ng himpilan sa buong bansa sa pangunguna ng mga opisyal ng kumpanya na sina RMN President and Chairman Eric Canoy; Board members Diosdado Marasigan, Carlos Canoy, Ike Canoy, Maria Clara Canoy, at Marieta Nieto; EVP and COO ng RMN Networks Enrico Canoy at EVP and COO ng RMN MMV Erika Canoy-Sanchez; at Executives Harriet Valencia at Enrique Canoy.