Ilang requirements sa pagproseso sa pagkuha ng prangkisa, posibleng paluwagin ng LTFRB

Maaring paluwagin ng LTFRB ang ilang requirements sa pagproseso sa pagkuha ng prangkisa ng mga TNVS operators.

 

Sa dialogue na ipinatawag ng LTFRB sa mga TNVS stakeholders, sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na

kukumbinsihin nila ang mga bangko na paluwagin ang  requirement o kaya ay bawasan ang gastusin sa tinatawag na   bank conformity Dahil ang OR-CR ng  mga sasakyan ay hinuhulugan sa mga bangko.


 

Ani Delgra, hindi naman ang LTFRB ang humingi ng OR CR kundi ang Land Transportation office.

 

Kailangan kasi na matatakan ang sasakyan bilang for hire para makabiyahe habang dinidinig ang kanilang aplilasyon.

 

Dahil kung hindi ito magagawa ay maidedeklara silang colorum.

 

Pumayag din si Delgra na ang mga may existing application o  sa renewal ay tatatakan ng  provisional authority pero uunahin muna ang mga nauna noong 2018.

 

Ibig sabihin, pwede na silang bumiyahe bilang TNVS gaya ng Grab.

Facebook Comments